Dichaves ang tunay na Jose Velarde
May 14, 2002 | 12:00am
Naniniwala ang panig ng depensa na mapapawalang sala si dating Pangulong Joseph Estrada matapos ilabas kahapon ni dating Presiding Justice Manuel Pamaran ang dokumento na magpapatunay umano na si Jaime Dichaves at hindi ang dating Pangulong Estrada ang may-ari ng multi-milyong Jose Velarde account.
Iprinisinta ni Pamaran sa Sandiganbayan Special Division ang sulat ni Dichaves kay Equitable PCIBank Binondo branch Vice-President Romuald Dy Tang na may petsang Agosto 25,1999.
Nakasaad sa nasabing sulat na hiniling ni Dichaves kay Tang na makapagbukas ng isang savings at current account sa pangalan ni Jose Velarde.
Ang liham ay bahagi umano ng kontrobersiyal na " second envelope" na tinanggihang buksan ng mayorya ng mga senador sa naunsiyaming impeachment trial ni Estrada na siyang naging daan para magkaroon ng Edsa Dos na nagpatalsik kay Estrada sa puwesto.
Subalit hindi naman ikinagulat ng prosekusyon ang pagpapalabas ng sulat dahil alam umano nilang gagamitin ito ng depensa. (Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest