^

Bansa

Sandiganbayan iisnabin ni Sen. Loi

-
Hindi sisiputin bukas ni Sen.Loi Ejercito Estrada ang Sandiganbayan kaugnay sa isinampang indirect contempt of court ng Plunder Watch kaugnay sa ginawa nitong pagbabatikos sa mga miyembro ng hudikatura sa bansa partikular ang mga huwes na dumidinig sa kaso ng kanyang mister na si dating Pangulong Joseph Estrada at anak nitong si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada.

Sinabi ni Sen.Estrada,na igigiit niya ang kanyang parliamentary immunity dahil isinagawa niya ang pagbatikos sa mga huwes sa pamamagitan ng kanyang privilege speech sa senado kung saan ay ginagarantiyahan ang kanyang karapatan na hindi siya maaaring kasuhan.

Dinagdag pa ni Sen. Estrada, tama na ang pagiging martir niya sa loob ng 43 taon kaya hindi na niya muling papayagan na maging martir muli sa panibagong pagkakataon kung saan nais siyang padaluhin sa Sandiganbayan para gisahin gayung mayroon naman siyang parliamentary immunity.

Sinabi naman ni Sen.Blas Ople na dapat ay kasuhan ang mismong nagpalabas ng subpoena para kay Sen. Estrada dahil sa kawalan nito ng kaalaman sa batas gayung ginagarantiyahan ang sinumang mambabatas ng parliamentary immunity sa kanilang privilege speech. (Rudy Andal)

vuukle comment

BLAS OPLE

DINAGDAG

ESTRADA

LOI EJERCITO ESTRADA

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PLUNDER WATCH

RUDY ANDAL

SAN JUAN MAYOR JINGGOY ESTRADA

SANDIGANBAYAN

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with