^

Bansa

Sobra-sobrang retirement benefits ng GSIS officials binusisi na

-
Sinisimulan nang busisiin ng dalawang komite sa Mababang Kapulungan ang umano’y sobra-sobrang retirement benefits na natanggap ng mga opisyal at empleyado ng Government Service Insurance System (GSIS) na idineklara ng Commission on Audit na illegal.

Nalaman ng committees on good government at government enterprise and privatization na may 16 personnel ng GSIS ang tumanggap ng Employee’s Loyalty Incentive Plan o ELIP ng magretiro ang mga ito noong 2001.

Umabot ang insentibo ng halos P72.3 milyon maliban pa dito ang P150.11 milyon na kabuuang retirement benefits na natanggap ng mga kawani ng GSIS, kasama ang matataas na opisyal nito, na kinuha naman mula sa kontribusyon ng mga miyembro ng GSIS.

Ayon kay Bohol Rep. Roberto Cajes na siyang nagsumite ng resolusyon para magkaroon ng imbestigasyon, ang ginawang ito ng GSIS ay unfair sa mga ordinaryong contributors.

Kaugnay nito, hiniling ng mga miyembro ng komite na magsumite ang COA ng kopya ng kanilang ruling hinggil sa pagbabawal magbigay ng incentive plan, kasama na ang table of salaries, allowances at benefits na natanggap ng mga matataas na opisyal ng GSIS mula 1996 hanggang sa kasalukuyan.

Inatasan naman ni Maguindanao Rep. Didagen Dilangalen ang GSIS na magbigay ng kanilang legal na basehan sa pagbibigay ng malaking allowances, compensation and benefits. (Malou Rongalerios-Escudero)

BOHOL REP

DIDAGEN DILANGALEN

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

LOYALTY INCENTIVE PLAN

MABABANG KAPULUNGAN

MAGUINDANAO REP

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

ROBERTO CAJES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with