^

Bansa

Napocor pabaya, balasahin

-
Sinisi ng Malacañang ang National Power Corporation (Napocor) sa naging kapabayaan nito kaya nagkaroon ng pagkalugi sa operasyon at ipinasasagot sa taumbayan.

Ayon kay Budget Secretary Emilia Boncodin, kailangang gumawa kaagad ng aksiyon ang Napocor at humanap ng ibang paraan para ang maaawas na koleksiyon sa power purchased adjustment (PPA) ay matugunan ng hindi kailangang ipataw ito sa gobyerno at sa mamamayan.

Bunga nito, iminungkahi ni Deputy Speaker for Visayas Raul Gonzales sa Malacañang na magpatupad ng total reorganization sa pamunuan ng Napocor.

Ayon kay Gonzales, mismanagement sa panig ng Napocor ang sanhi ng pagkakaroon ng mataas na pagsingil sa kuryente kaya dapat lamang isagawa ang reorganisasyon.

Sinabi pa ni Gonzales na karapatan pa rin ng pamahalaan na pangalagaan ang Napocor habang hindi pa ito naisasapribado.

Magugunitang ipinasa ang Power Reform Act kung saan dito nakapaloob ang planong pagsasapribado sa Napocor.

Ang Napocor ay baon sa utang sa kasalukuyan dahil sa pagpasok nito sa mga kontrata sa mga independent power producers (IPPs) na siyang dahilan kung bakit nagkaroon ng PPA na binabayaran ng mga electric consumers.

Naniniwala ang liderato ng Kongreso na ang pagpapatupad ni Pangulong Arroyo ng suspensiyon sa pagbabayad ng PPA ay pansamantala lamang at muli itong ipapapasan sa mga mamamayan na gumagamit ng kuryente. (Lilia Tolentino/Malou Rongalerios-Escudero)

vuukle comment

ANG NAPOCOR

AYON

BUDGET SECRETARY EMILIA BONCODIN

DEPUTY SPEAKER

GONZALES

LILIA TOLENTINO

MALACA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

NAPOCOR

NATIONAL POWER CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with