Carolina bagong Southcom chief

Hindi na pinatagal pa ni Pangulong Arroyo ang pagpili sa susunod na Southern Command Chief at sa kalagitnaan ng kanyang state visit sa Thailand ay inihayag nito ang pagkakahirang kay Major Gen. Ernesto Carolina bilang kapalit ni Gen. Roy Cimatu na itinalaga niya bilang bagong AFP Chief.

Hindi binanggit ng Pangulo ang pinagbasehan niya sa pagpili kay Carolina sa kabila ng marami itong karibal sa posisyon.

Si Carolina ang kasalukuyang hepe ng Southern Luzon Command sa Nueva Ecija. Nagtapos siya sa Philippine Military Academy (PMA) at nabibilang sa Class ‘70. (Lilia Tolentino)

Show comments