^

Bansa

Illegal Pinoys sa Malaysia 'wag higpitan -GMA

-
Hiningi ni Pangulong Arroyo sa pamahalaang Malaysia na huwag masyadong higpitan ang ipinatutupad nilang proseso ng deportasyon laban sa mga Pilipinong illegal na nakapasok sa Sabah.

Sa kanyang pakikipagpulong kay Malaysian Prime Minister Mahathir Mohamad matapos magtalumpati sa Pacific Basin Economic Council Meeting sa Kuala Lumpur, hiniling rin ng Pangulo ang patuloy na pagsuporta ng Malaysia sa mga inisyatibong pangkapayapaan at pangkaunlaran sa Mindanao.

Bago lumipad kahapon ng hapon patungong Bangkok, Thailand ay sumaksi ang Pangulo kasama si Prime Minister Mahathir sa paglagda sa trilateral agreement on information exchange and communications procedures.

Ang kasunduang ito na inirekomenda ng Pangulo sa ika-7 ASEAN Summit sa Brunei noong nakaraang Nobyembre ay gumaganyak sa mga kalapit na bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations na lutasin ang mga insidente ng sigalot sa border, seguridad, terorismo at transnational crimes.

Sinabi ng Pangulo na itinuturing niya itong isang mahalagang kontribusyon ng Pilipinas sa pandaigdig na kampanya laban sa terorismo sa pakikipagtulungan ng Malaysia at Indonesia.

Ang Pangulo ay nakatakdang makipag-usap ngayon sa mga business leaders ng Thailand para sa posibleng pamumuhunan sa bansa.

Kasama ng Pangulo si First Gentleman Mike Arroyo at ilang miyembro ng Gabinete at sila’y nakatakdang bumalik sa bansa bukas ng madaling araw. (Ulat ni Lilia Tolentino)

ANG PANGULO

ASSOCIATION OF SOUTHEAST ASIAN NATIONS

FIRST GENTLEMAN MIKE ARROYO

KUALA LUMPUR

LILIA TOLENTINO

MALAYSIAN PRIME MINISTER MAHATHIR MOHAMAD

PACIFIC BASIN ECONOMIC COUNCIL MEETING

PANGULO

PANGULONG ARROYO

PRIME MINISTER MAHATHIR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with