50 gramo ng shabu bitay na!
May 8, 2002 | 12:00am
Malamang na mapuno ang mga kulungan sa bansa ng mga drug users at pushers matapos na magdesisyon ang dalawang kapulungan ng Kongreso na itakda sa 50 gramo ang dami ng makukuhang shabu upang mabitay ang mahuhulihan nito.
Sinabi ni Senador Robert Barbers, chairman ng Senate committee on public order and illegal drugs na nagkasundo kahapon ang Senate at House bicameral committee na mula sa dating 200 gramo ng shabu na pasok sa heinous crime ay ibaba ito sa 50 gramo.
Sa kasunduang ito, sinumang mahuhulihan ng may 10 hanggang 49 gramo ng shabu ay maaaring makasuhan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkabilanggo kung saan nasa kapangyarihan na ng piskalya kung papayagang makapagpiyansa ang akusado.
Ang mahuhulihan naman ng 50 gramo o higit pang shabu ay awtomatikong pasok sa death penalty at hindi papayagang makapagpiyansa. Itinuturing na rin na drug trafficking ang pagkakaroon ng 50 grams ng shabu.
Samantala ang 10 gramo ng ecstacy, opium, cocaine at morphine ay pasok na rin sa heinous crimes, habang sa marijuana ay kailangang umabot muna sa 500 grams ang bigat nito bago maituring na karumal-dumal na krimen.
Nabatid na tumagal ang pulong ng bicameral conference committee na natapos lamang nitong nakaraang Lunes dahil hindi magkasundo ang mga mambabatas kung gaano karaming shabu ang pasok sa heinous crime.
Magugunita na sa Senate version ay gusto nito na 99 grams ng shabu ang pasok sa heinous crime, samantalang sa House version ay 10 gramo.
Napagdesisyunan din ng bicameral committee na magkaroon ng special regional trial courts na may tungkulin na litisin lamang ang mga drug cases.
Nakatakdang magpulong ngayon ang technical working group upang isaayos ang final draft ng panukala. (Ulat nina Rudy Andal at Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am