^

Bansa

Jinggoy hindi pinayagan ng Sandiganbayan

-
Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan ni Jinggoy Estrada na ma-confine sa San Juan Medical Center makaraang mabigo ang depensa na patunayang kulang ang kagamitan sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) upang magamot ang dating alkalde sa sakit nitong Hematochezia o pagdurugo ng puwet.

Sa ibinabang desisyon nina acting Presiding Justice Minita Chico-Nazario, chairperson ng Special Division, Associate Justices Edilberto Sandoval at Teresita Leonardo-de Castro, maaaring gamutin ang dating San Juan mayor dahil kumpleto naman umano ang kagamitan sa VMMC.

Magugunitang ilang beses na ring pinagbigyan ng Special Division si Jinggoy na madala sa Makati Medical Center dahil sa hindi normal na tibok ng puso.

Una nang pinaghinalaan na nagpapalusot lamang umano si Jinggoy para makapuslit dahil malapit na sa kanilang bahay ang ospital na gusto niyang pagpagamutan at may pagkakataon siyang makauwi kahit saglit lang sa kanila. (Ulat ni Malou Rongalerios)

ASSOCIATE JUSTICES EDILBERTO SANDOVAL

JINGGOY

JINGGOY ESTRADA

MAKATI MEDICAL CENTER

MALOU RONGALERIOS

PRESIDING JUSTICE MINITA CHICO-NAZARIO

SAN JUAN

SAN JUAN MEDICAL CENTER

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

SPECIAL DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with