Ang monitoring team na round-the-clock ay iikot sa lahat ng LTO offices nationwide ang siya ring magsasara sa operasyon ng mga DTC na wala pang compliance sa Govt Service Insurance System (GSIS).
Sa latest monitoring ng nabanggit na grupo, halos 50 percent ng mga nag-o-operate na DTC nationwide ay wala pa ring compliance sa GSIS kayat maaaring sila ang unang tamaan ng pinatinding kampanya ng LTO laban dito.
Kahit pa umano accredited ng LTO drug test committee at ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang alinmang DTCs, hindi ito umano assurance para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.
Muling binalaan ni LTO Chief Roberto Lastimoso ang mga tauhan na agad na sususpindihin sa puwesto kapag mapapatunayang nakikipagkutsabahan sa mga illegal DTC para makapag-operate kahit walang compliance sa GSIS.