^

Bansa

Drug test monitoring team vs fly-by-night drug testing

-
Mula ngayong Lunes, raratsada na ang bagong tatag na drug test monitoring team ng Land Transportation Office (LTO) para wakasan ang operasyon ng mga "fly-by-night" drug testing centers (DTC) nationwide partikular sa Metro Manila.

Ang monitoring team na round-the-clock ay iikot sa lahat ng LTO offices nationwide ang siya ring magsasara sa operasyon ng mga DTC na wala pang compliance sa Gov’t Service Insurance System (GSIS).

Sa latest monitoring ng nabanggit na grupo, halos 50 percent ng mga nag-o-operate na DTC nationwide ay wala pa ring compliance sa GSIS kaya’t maaaring sila ang unang tamaan ng pinatinding kampanya ng LTO laban dito.

Kahit pa umano accredited ng LTO drug test committee at ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang alinmang DTCs, hindi ito umano assurance para maipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Muling binalaan ni LTO Chief Roberto Lastimoso ang mga tauhan na agad na sususpindihin sa puwesto kapag mapapatunayang nakikipagkutsabahan sa mga illegal DTC para makapag-operate kahit walang compliance sa GSIS.

vuukle comment

CHIEF ROBERTO LASTIMOSO

DRUGS BOARD

DTC

KAHIT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

LTO

METRO MANILA

MULA

SERVICE INSURANCE SYSTEM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with