Sinabi ni Senador Edgardo Angara, presidente ng LDP, nagkausap na sila ni House Speaker Jose de Venecia, ang convenor ng political summit at ginarantiyahan na niya ito na susuportahan ng buong-buo ng kanyang partido ang ilang mga panukala upang maalis ang korupsyon, pandaraya at "bata-bata" system sa pulitika.
Ipinaliwanag pa ni Angara na ang protesta ng oposisyon laban sa umanoy mapanili na gawain ng administrasyong Arroyo ay kaiba naman sa kanilang prinsipyo na tumulong upang magkaroon ng pagbabago sa kondisyon ng ekonomiya at pulitika ng Pilipinas.
Nabatid na ilan sa mga panukala na susuportahan ng LDP sa ngalan ng "bipartisan cooperation" ay ang Absentee-Voting Measure, Poll Modernization Act, Political Party Act at Campaign Finance Reform Act.
Magugunita na nag panukalang absentee-voting na may layuning magbigay ng karapatan sa may pitong milyong overseas Filipino workers na makaboto ay kasalukuyang pinag-aaralan ngayon at isinusulong ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Electoral Reforms na pinamumunuan ni Angara. (Ulat ni Rudy Andal)