Utos ni Pangulong Arroyo: Luzon susuyurin vs terrorists
May 6, 2002 | 12:00am
Iniutos ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na lawakan pa ang pagtugis at kung maaari ay suyurin ang pinagkakakutaan ng mga teroristang Muslim na sangkot sa al-Qaeda network ni Osama bin Laden sa Luzon.
Ang utos na ito ng Pangulo ay batay sa pagkakaaresto sa siyam na Muslim convert turned terrorists sa sunud-sunod na isinagawang operation ng mga awtoridad simula noong Mayo 1 sa Pangasinan at Tarlac.
Sari-saring mga baril, granada, communications equipment,mga sangkap sa paggawa ng bomba, teleskopyo at mga fatigue uniforms.
"Inatasan kami ng Pangulo na pag-igihan pa ang aming operation upang madakip ang iba pang mga kasamahan ng mga suspek" pahayag ni Central Luzon police director Reynaldo Berroya.
Ang mga suspek ay nakilalang sina Dawud del Rosario Santos, Pio Abogne de Vera, Marcelo Cenar Egil, Allan " Al Hakim" Barlagdaton, Redondo Cain Dellossa, Angelito Trinidad, Omar Mayumo, Riduan Isamuddi at napatay sa pakikipag-engkuwentro na si Khalid Amir
Sa pag-interogasyon sa mga suspek at sa nakuhang mga dokumento,lumalabas na balak magtayo ng mga "underground cells" ang grupo sa Luzon lalo na Baguio City.
Sinabi din ni Berroya na ang anim na nahuling suspek sa Anda, Pangasinan ay naghihintay ng kanilang parte sa umanoy nakuhang ransom money ng kanilang mga kasamahan sa Basilan.
Napag-alaman din na nagtayo na ang nasabing mga suspek ng 18 ektaryang training camp sa Pangasinan na kasalukuyang nang hinahalughog ng militar at pulisya ang lugar.
Napag-alaman din na ang mga suspek ay mga christians na na-convert sa Islam na sumanib sa isang muslim movement na kung tawagin ay "Balik Muslim" movement na kapareho ng Christian charismatic groups.
Ginigiit ng mga ito na bago ang mga Filipino ay naging christians,ang mga ito ay mga muslim muna kayat ito ang dahilan kung bakit sila sumali sa "Balik Muslim".
May palagay ang mga awtoridad na kaya sa Luzon nag-concentrate ang mga rebeldeng muslim ay dahil sa hindi sila makakilos ng malaya sa Mindanao dahil sa patuloy na opensiba ng militar at US troops.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am