Benepisyo sa obrero tiniyak ni GMA
May 3, 2002 | 12:00am
Ipinahayag ni Presidente Gloria Macapagal-Arroyo ang pagkakaroon ng skills and livelihood training para sa mga nawalan ng trabaho, kalakip dito ang informal sektor para sa social security program at pagagaanin din ang proseso para sa mga nag-aaplay sa ibang bansa.
Ito ang naging mensahe ni Arroyo sa nakalipas na Labor day celebration sa University of Mindanao sa Davao City.
Ang programang Social Protection Program for Workers in the Informal Sector ay inilunsad sa layuning mabigyan ng benepisyo ang mga obrero na sakop ng Social Security System.
Ang pondo na nagkakahalaga ng P100 milyon para sa nasabing programa ay kukunin ng Presidente sa kanyang Presidents Social Fund para sa gagawing pagsasanay sa livelihood at entrepreneurship projects para sa mga obrero.
Ang mga out-of-school youths at nawalan ng trabaho ay maaaring makasali sa nasabing programa tulad ng Information Technology na makukuha nila sa Technical Skills Development Authority (TESDA).
"Ang target ko ay sanayin ang may isang milyong manggagawa upang sa ganoon ay puwedeng maging world class workers na kayang makipagsabayan sa ibang bansa" wika ni Arroyo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
20 hours ago
Recommended