Legalidad ng PPA kukuwestiyunin sa SC
May 3, 2002 | 12:00am
Nagbabala ang grupong Freedom from Debt Coalition na kukuwestiyunin nila sa Supreme Court ang legalidad ng kontrata sa pagitan ng gobyerno at ng mga electric companies upang ipatupad ang umiiral na Power Purchase Adjustment (PPA)
Sinabi ni Lidy Nacpil, secretary general ng FDC na inihahanda na nila ang kanilang petisyon sa SC dahil sa paniniwalang hindi parehas ang kontratang pinasok ng gobyerno.
Hihilingin din nila sa SC na magpalabas ng Temporary Restraining Order o injunction order para pahintuin ang kontrata sa pagitan ng gobyerno at ng mga electric companies.
Sa nasabing kontrata ay tiyak na lugi ang gobyerno at consumers dahil malinaw na pabor lamang sa mga kumpanya ang pagpayag ng pamahalaan. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest