GMA di nasindak sa banta ng Abu Sayyaf!
May 3, 2002 | 12:00am
Hindi nasindak si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo sa banta ng Abu Sayyaf Group na pupugutan nila ng ulo ang mag-asawang bihag na sina Martin at Gracia Burnham upang hiyain ang US troops at AFP.
Sinabi ni Presidential Adviser on Special Concerns Norberto Gonzales, sa halip na tumiklop ang tuhod sa banta ng bandido ay inatasan pa ng Presidente ang AFP na magsagawa ng tuloy-tuloy na opensiba laban sa mga ito.
Ayon naman kay Acting Press Secretary Silvestre Afable, na patakaran ng pamahalaan na huwag patulan o sagutin ang anumang banta ng isang terorista na tulad ni Abu Sabaya.
Maaari na isa lang umanong taktika ng ASG ang panibagong banta dahil sa nais lang nilang itigil ang ginagawang pagtugis ng tropang sundalo ng US at RP.
"Hindi gagawin iyan ng ASG lalo na sa mag-asawang Burnham dahil kakailanganin nilang panatilihing buhay ang kanilang bihag para hindi sila tuluyang sagupain ng mga sundalo sa kabila ng pangyayayaring alam na ng mga ito ang kanilang kuta" ani Gonzales. (Ulat nina Lilia Tolentino at Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest