^

Bansa

Concert binomba; 8 todas,120 kritikal

-
Cotabato City – Malagim ang sinapit na kamatayan ng walong katao habang 120 ang nasa malubhang kalagayan makaraang hagisan ng granada ng grupong 18-K gang na pinaniniwalaang sabog sa ipinagbabawal na gamot ang isang concert/disco party sa loob ng compound ng St. Joseph Church, Notre Dame Village sa nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Sr. Supt. Sanggacala Dampac, PNP city director, ang mga nasawing sina Ayob Lucman ,25; Antoniette Cabrera, 24; Ann Shiella Jasmin, 22; Aljan Macalawan; Weena Baya, 8 at tatlong hindi pa nakikilala.

Samantala ang mga nasugatan ay dinala sa ibat-ibang pagamutan dito sa lunsod.

Sinabi ni Major General Roy Kyamko, chief ng 6th Infantry Division ng Phil. Army na sa kanilang inisyal na imbestigasyon na posibleng bangag sa bawal na gamot ang mga naarestong suspek dakong alas-6 ng umaga kahapon na nakilalang sina Jasmin Simuan, Pelot Cabud Nasser Datukali,Mursib Mamalinta pawang taga-Maguindanao at Munabantog Natangcop, 21, 4th year college engineering student sa Univeristy of Visayas sa Cebu.

Lumalabas pa sa imbestigasyon,dakong alas-6 ng gabi ay inumpisahan ang kasayahan sa pamamagitan ng banda ng Brothers and Friend.

Ang mga kabataang suspek ay lumapit sa banda at hinihiling na kantahin ang "Stupid Love" na pinasikat ng grupong Salbakuta.

Tinanggihan ng banda ang kahilingan dahil sa hindi umano alam ng mga ito ang lyrics ng nasabing rap song.

Nagalit ang mga suspek dahil sa hindi pinagbigyan ang kanilang kahilingan ay nagbanta na may masamang mangyayari sa kanilang kasiyahan at umalis na ang mga ito.

Habang nasa gitna ng kasiyahan,dakong alas-10 ng gabi ay bumalik ang mga suspek at inihagis ang isang cacao type na granada na binalutan ng mga bakal.

Ilang saksi ang nagsabi na sa lakas ng pagsabog ay halos nagliparan ang ibat-ibang parte ng katawan ng mga nasawi.

Dahil dito ay nagkaroon ng stampede at maliban sa nasabugan ng granada ang iba ay nasugatan din dahil sa pagtutulakan at balyahan.

Posible pa umanong tumaas ang bilang ng nasawi dahil sa kakulangan ng mga doktor, gamot at dugo para sa mga biktima. (Ulat nina Rose Tamayo,Joy Cantos,Teng Garcia,Boyet Jubelag at Doris Franche)

ALJAN MACALAWAN

ANN SHIELLA JASMIN

ANTONIETTE CABRERA

AYOB LUCMAN

BOYET JUBELAG

BROTHERS AND FRIEND

COTABATO CITY

DORIS FRANCHE

INFANTRY DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with