GMA inasar ang media sa 'Gridiron'
May 2, 2002 | 12:00am
Hindi pumayag si Pangulong Arroyo na maisahan siya ng media sa ginanap na pagtatanghal ng tradisyunal na "Gridiron Night" ng National Press Club (NPC) at bago panoorin ang mga kritisismo ng mamamahayag sa kanyang administrasyon, naunang namukol ng mga puna at patutsada ang Pangulo sa mga mamamahayag at gayundin sa NPC.
Sinabi ng Pangulo na ang Gridiron na may temang "The Iron Lady, Glora, Gloria, Labandera" na ginanap sa Manila Hotel kamakalawa ng gabi ay isang paggunita sa kapangyarihan ng media bagaman aniya hindi na niya kailangan ang ganitong babala dahil nagbabasa siya ng pahayagan tuwing umaga at nanonood ng telebisyon kada gabi.
"Alam kong titirahin ninyo ako kahit na ako dumalo sa pagtatanghal. Pero higit ang batikos na aanihin ko kung hindi ako dadalo, kaya narito ako ngayon," wika ng Pangulo.
Sinabi pa ng Pangulo na ang buhay sa gobyerno ay tulad ng Gridiron skit na pipintasan ka sa mga pagkakamali at pupurihin sa mga naisagawang tungkulin.
Ang mga nasa gobyerno anya ay hindi dapat na mapikon sa mga pamimintas na ito kahit na pikon na pikon na.
"Okay lang ang mataray, huwag lang pikon," sabi pa ng Pangulo kasabay ng palilinaw na hindi siya napipikon subalit likas lang na mataray siya. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended