Ayon kay Press Undersecretary for Broadcast Manny Sanchez, walang ikinakatakot ang Palasyo sa protestang isasagawa ng mga militanteng manggagawa at gayundin ang mga kapanalig ni dating Pangulong Estrada na magdaraos ng kaliwat kanang rally.
Sinabi ng Pangulo na bagaman ang bansa ay kumakaharap ngayon sa mga masalimuot na problema, kung ang mga tao ay magkakaisa, maisasakatuparan ang pagsusulong ng hinahangad na kaunlaran sa kabila ng mga suliranin.
Sa selebrasyon ngayon ng Labor Day, hinihiling ng Pangulo sa mga obrero na ipagdiwang ang mahalagang araw na ito ng mapayapa.
Kahapon pa lang ay puspusan ang pagbabantay ng mga pulis sa palibot ng Malacañang bilang ensayo sa inaasahang malawakang protesta at demonstrasyon ngayon. (Ulat ni Lilia Tolentino)