4 GenSan bombers todas sa encounter
May 1, 2002 | 12:00am
Apat pang suspek sa madugong pambobomba sa General Santos City noong Abril 21 ang napatay sa 20 minutong pakikipag-engkuwentro sa magkakasanib na elemento ng militar at pulisya sa baybayin ng lungsod na ito, kahapon ng madaling araw.
Batay sa ulat, natunugan ng mga operatiba ng Police Regional Office (PRO) 12 at nang 601st Brigade ng Phil. Army ang pagdaong ng mga suspek na umanoy miyembro ng "Striking Force" ng pinagsanib na grupo ng MILF at Abu Sayyaf.
Ditoy agad na nagkabarilan na nagresulta sa pagkasawi ng apat na suspek at pag-eskapo nang mga kasamahan nito.
Kinilala ni PNP Recom 12 Director P/Senior Supt. Bartolome Baluyot ang mga napatay sa mga alyas na Salih, Abbas, Sadik at Tatoh.
Ayon kay Baluyot, naganap ang engkuwentro bandang alas-3:45 ng umaga ng mamataan ng mga operatiba ang grupo ng mga ito sakay ng isang padaong na bangkang de motor sa dalampasigan ng Santos Bangus farm, Purok Royeca, Brgy. Bula nabanggit na siyudad.
Napag-alaman na ang mga suspek ay isinailalim sa masusing surveillance operations ng mga awtoridad matapos ang magkakasunod na pambobomba sa General Santos City na ikinasawi nang 15 katao.
Kasabay ng pagkakapaslang sa mga suspek ay nabulgar ang panibagong plano ng mga ito na magsagawa muli ng pambobomba sa Gensan at iba pang karatig lugar.
Nasamsam mula sa bangkay ng mga ito ang mga subersibong dokumento at isang sketch map na may letterhead ng MILF. Nakasaad sa sketch map ang kanilang operational plan kung saan kabilang sana sa balak nilang pasabugin ang mga lokal na himpilan ng radyo sa Gensan na kinabibilangan ng Bombo Radyo, GMA Super Radyo, RMN Radyo Agong, mga simbahang Katoliko, Iglesia Ni Cristo, Gaisano Mall, Fit Mart Mall, Dolores Hotel, mga palengke ng siyudad, at ilan pang mga establisimiyento doon.
Narekober din ang isang liham na may lagda ni Kumander Brix nang 205th Brigade ng MILF na nagsasaad ng instruksiyon sa isang Kumander Madz na patayin ang lahat ng mga Kristiyano, gumawa ng kaguluhan at sunugin ang lahat ng mga gusali bago umalis sa lugar ng kanilang operasyon.
Kabilang rin sa mga narekober ang dalawang M16 rifles, dalawang .3526 caliber revolver, M79 grenade launcher, at isang extortion letter mula kay Abu Muslim Al-Ghazie para sa Mercury Drugstore at Dolores Hotel na humihingi nang P500,000. (Ulat nina Joy Cantos,Doris Franche,Rose tamayo at Boyet Jubelag)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended