Sinabi ni Sen. Oreta, lubhang nakababahala ang ulat na 30 porsiyento ng mga gamot sa ibat ibang botika sa bansa ay mga pekeng antibiotics at pain killers na ang laman umano ay mga arina at pinatigas na asukal lamang.
Kabilang sa natuklasang pekeng gamot na naglalaman ng arina ay ang mga pain killers tulad ng Ponstan habang ang mga antibiotics na peke na ang laman ay pinatigas na asukal ay ang Fortun at Augmentin.
Iginiit ng mambabatas na dapat ay mahuli ang mga nasa likod ng sindikatong ito upang hindi na kumalat pa ang mga pekeng gamot sa bansa.
Samantala, hiniling naman ng senadora sa Department of Health na makipag-ugnayan ito sa Department of Trade and Industry sa paglalagay ng mga safeguard mechanisms para maprotektahan ang kalidad ng mga murang gamot na inaangkat ng gobyerno mula sa India. (Ulat ni Rudy Andal)