^

Bansa

Pekeng antibiotics, pain killers kumakalat

-
Nanawagan kahapon si Senadora Tessie Aquino-Oreta sa Bureau of Food and Drugs (BFAD) na magtalaga ng karagdagang inspection teams sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa upang mabigyang proteksiyon ang mamamayan ukol sa ulat na may kumakalat na mga pekeng gamot na mga antibiotics at pain killer na nagmumula umano sa Indonesia at China.

Sinabi ni Sen. Oreta, lubhang nakababahala ang ulat na 30 porsiyento ng mga gamot sa iba’t ibang botika sa bansa ay mga pekeng antibiotics at pain killers na ang laman umano ay mga arina at pinatigas na asukal lamang.

Kabilang sa natuklasang pekeng gamot na naglalaman ng arina ay ang mga pain killers tulad ng Ponstan habang ang mga antibiotics na peke na ang laman ay pinatigas na asukal ay ang Fortun at Augmentin.

Iginiit ng mambabatas na dapat ay mahuli ang mga nasa likod ng sindikatong ito upang hindi na kumalat pa ang mga pekeng gamot sa bansa.

Samantala, hiniling naman ng senadora sa Department of Health na makipag-ugnayan ito sa Department of Trade and Industry sa paglalagay ng mga safeguard mechanisms para maprotektahan ang kalidad ng mga murang gamot na inaangkat ng gobyerno mula sa India. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AUGMENTIN

DEPARTMENT OF HEALTH

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

FORTUN

IGINIIT

KABILANG

METRO MANILA

RUDY ANDAL

SENADORA TESSIE AQUINO-ORETA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with