Pormal na tinanggap ni Defense Secretary Angelo Reyes ang mga relief goods mula kay Indonesia Ambassador Soeratim sa isang turnover ceremony kamakalawa sa Office of Civil Defense sa Camp Aguinaldo.
Sinabi ni Reyes na ang mga relief goods ay kanilang ipamamahagi sa mga biktima ng kalamidad sa bansa.
Kaya naman inatasan nito si OCD Administrator Ret. Major Gen.Melchor Rosales na magsagawa ng ebalwasyon kung anong lugar ang dapat iprayoridad na ibahagi ang mga relief goods. (Ulat ni Lilia Tolentino)