^

Bansa

AGFO tutol sa extension ng Chief of Staff

-
Tinutulan ng 700 malakas na samahan ng Association of Generals and Flag Officers (AGFO) ang anumang ektensiyon ng termino ng Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP) bagamat ito ay prerogatibo ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Ang reaksyon ay inihayag ng AGFO sa gitna na rin ng mainitang labanan sa hanay ng mga contenders upang pumalit sa nakatakda nang magretiro sa Mayo 20 pagsapit sa compulsory age retirement ni AFP Chief of Staff Gen. Diomedio Villanueva.

Sina AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Gregorio Camiling; AFP Southern Command Chief Lt. Gen. Roy Cimatu ang itinuturing na mahigpit na naglalaban sa posisyon,

Kabilang naman sa iba pang contenders ay sina PAF Chief Lt. Gen. Benjamin Defensor Jr.; Navy Chief Vice Admiral Victorino Hingco at AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Narciso Abaya na ikinokunsiderang dark horse.

Iginiit ng mga kasapi ng AGFO ang pagreretiro sa serbisyo ng lahat ng mga military personnel sa pagsapit sa edad na 56. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ASSOCIATION OF GENERALS AND FLAG OFFICERS

BENJAMIN DEFENSOR JR.

CHIEF

CHIEF LT

CHIEF OF STAFF

CHIEF OF STAFF GEN

DEPUTY CHIEF OF STAFF LT

DIOMEDIO VILLANUEVA

GREGORIO CAMILING

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with