Israelis, Kano pupugutan!
April 27, 2002 | 12:00am
Pagkatapos na magbanta na magsasagawa ng susunod pang mga pambobomba sa mga urban areas sa Mindanao muli na namang nagbanta kahapon ang mga bandidong Abu Sayyaf Group na aatakihin nila ang tropa ng mga sundalong Amerikano na kalahok sa RP-US joint military exercise sa Basilan at Zamboanga City gayun din ang mga Israeli nationals.
Sa isang panayam sa radio,nagbanta si Abu Muslim Al-Ghazie, self proclaimed Chief of Operatons Group ng Al Harakatul Al Islamiya ng ASG na maliban sa US troops ay ultimate target rin ng kanilang grupo ang mga Israeli na tatapak sa Mindanao na sandaling mahuli nila ng buhay ay pupugutan nila ito ng ulo.
Ayon kay Al-Ghazie ang plano nilang pag-atake sa mga Israeli nationals ay bilang suporta sa giyera ng Palestine na tinitirahan ng kanilang mga kakamping Muslim na patuloy na lumalaban sa Israeli forces.
Ang plano naman nilang pag-atake sa US troops ay bilang bahagi ng pagtataboy nila sa mga ito at pagtutol sa nagaganap na war games.
Sinabi ni Al-Ghazie na hindi nila titirhan ng buhay ang sinumang Amerikano at Israeli nationals sa sandaling matiyempuhan nila ito.
Kaugnay nito, doble ang paghihigpit ng seguridad ng military base sa direktiba ni AFP Southcom Chief Lt. Gen. Roy Cimatu sa Basilan at Zamboanga City para tiyakin ang kaligtasan ng mga sundalong Amerikano na kalahok sa Balikatan.
Sa ilalim ng nilagdaang Terms of Reference ng Balikatan. Binibigyan ng karapatan ang US troops na ipagtanggol ang kanilang sarili sa sandaling atakehin ang mga ito ng mga Abu Sayyaf o anumang rebeldeng grupo habang nasa bansa. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended