^

Bansa

Ecstasy may parusang bitay

-
Parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang naghihintay sa mapapatunayan ng korte sa mga nagbebenta at nag-iingat ng drogang ecstasy.

Ito ang naging pahayag ni Senador Robert Barbers sa kanyang pagdating buhat sa Tokyo, Japan na naging resource speaker sa katatapos na International Drug Summit.

Ayon kay Barbers, malapit nang maisabatas ang kanyang panukalang batas na Comprehensive Drug Bill at dito ay ginawa ng prohibited ang drug ecstasy na kung sino ang mahuhulihan ng 10 gramo ay may kaparusahang bitay.

Ganoon din ay parusang bitay ang sinumang mahuhulihan ng 10 gramo ng shabu hindi tulad dati na dapat ay 200 gramo ang makumpiska bago mabitay ang isang akusado.

Kasama rin sa panukalang batas ay ang pagtatatag ng Special Drug Court na pawang may kaugnayan lamang sa droga ang lilitisin na hindi dapat tumagal ng 60 araw ang pagdinig sa kaso.

Malungkot din na sinabi ni Barbers na ang Pilipinas ay no, 3 na ngayon sa Asya na pinanggagalingan ng shabu. Nangunguna ang Myanmar (dating Burma) at pumapangalawa ang North Eastern China. (Ulat ni Butch Quejada)

ASYA

AYON

BUTCH QUEJADA

DRUG BILL

DRUG COURT

DRUG SUMMIT

GANOON

NORTH EASTERN CHINA

SENADOR ROBERT BARBERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with