Ito ang inihayag ni National Security Adviser Roilo Golez matapos makausap sina Boy Saycon, dating Tarlac Congressman Peping Cojuangco at Boy Montelibano ukol sa isyu ng panukalang "Freedom Force" at sa isinusulong nilang collective leadership o junta.
Sinabi pa ni Golez na satisfied ang Pangulo sa ginawa ng COPA na public announcement na susuportahan nila ang kasalukuyang pamahalaan at pinabulaanan na may kasamang 19 heneral sa planong Freedom Force. (Ulat ni Lilia Tolentino)