May nauna pa kay 'Evangeline' - Rosebud
April 26, 2002 | 12:00am
Ibinunyag ni dating narcotics confidential agent at whistleblower ni Sen. Ping Lacson na si Mary Ong a.k.a Rosebud na bukod kay Evangeline ay may nauna pang biktima ng panggagahasa at pang-aabuso sa safehouse ng Witness Protection Program ng Deparment of Justice mula sa mga security officers nila.
Takot umanong lumantad ang mga biktima at bukod tanging si Evangeline lamang ang nagkaroon ng lakas ng loob na lumantad na siya ay ni-rape ng kanyang custodial officers na si Gerry Lintan noong Marso 26 sa kanilang safehouse.
Sa pagbubunyag ni Rosebud ay nagpahayag si Justice Secretary Hernando Perez na lumantad rin ang iba pang biktima at pormal na magsampa ng reklamo laban sa kanilang mga security officer na nang-abuso sa kanila.
Pinasaringan rin ni Perez bagamat hindi binanggit ang pangalan ni Evangeline na mas nauuna pang magsumbong sa media bago hingin ang tulong ng gobyerno.
Pinagtanggol din ni Perez si WPP Director Senior State Prosecutor Leo Dacera na wala itong kasalanan, dahil sa agad itong aaksyon kung pormal na nagreklamo si Evangeline.
Tinutulan din nito ang panawagang buwagin na ang WPP matapos ang nasabing insidente sa loob ng safehouse.
Hindi umano makatarungan ang panukalang pagbuwag sa WPP na nagbibigay ng proteksyon sa mga testigo sa kaso dahil lang sa isang insidente.(Ulat nina Grace Amargo at Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest