Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandiganbayan kahapon, sinabi ni Dr. Noel Carilo, expert surgeon ng St. Lukes Medical Center na lumiham sa Philippine Orthopedic Association si Dr. Christopher Mow ng Standford University na nagsabing naniniwala siyang may kakayahan ang mga Pinoy doktor na magsagawa ng "total knee surgery".
Nabatid na si Dr.Mow ang napipisil ng US-based surgeon ni Estrada para magsagawa ng operasyon nito sa tuhod dahilan sa natatakot umano itong pumalpak kung hindi niya pinagkakatiwalaang doktor ang mag-oopera dito.
Sa liham, mistulang binawi ni Mow ang nauna nitong pahayag at nilinaw na hindi siya nagsasabing walang kakayahan ang mga surgeon sa Pilipinas para sa total knee replacement operation dala na ring salat sa kinakailangang medical equipment para dito.
Matatandaan na ginamit ng panig ni Estrada ang umanoy pahayag ni Mow bilang alibi para pahintulutan ang una na makapunta sa Amerika at doon magpa-opera. (Ulat ni Joy Cantos)