^

Bansa

Pag-asa ni Erap na magpa-opera sa abroad, lumabo

-
Lumabo ang pag-asa ni dating Pangulong Joseph Estrada na katigan ng Sandiganbayan Special Division ang mosyon nito na magtungo sa Estados Unidos para maipagamot ang kanyang osteoarthritis o sakit sa tuhod.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Sandiganbayan kahapon, sinabi ni Dr. Noel Carilo, expert surgeon ng St. Lukes Medical Center na lumiham sa Philippine Orthopedic Association si Dr. Christopher Mow ng Standford University na nagsabing naniniwala siyang may kakayahan ang mga Pinoy doktor na magsagawa ng "total knee surgery".

Nabatid na si Dr.Mow ang napipisil ng US-based surgeon ni Estrada para magsagawa ng operasyon nito sa tuhod dahilan sa natatakot umano itong pumalpak kung hindi niya pinagkakatiwalaang doktor ang mag-oopera dito.

Sa liham, mistulang binawi ni Mow ang nauna nitong pahayag at nilinaw na hindi siya nagsasabing walang kakayahan ang mga surgeon sa Pilipinas para sa total knee replacement operation dala na ring salat sa kinakailangang medical equipment para dito.

Matatandaan na ginamit ng panig ni Estrada ang umano’y pahayag ni Mow bilang alibi para pahintulutan ang una na makapunta sa Amerika at doon magpa-opera. (Ulat ni Joy Cantos)

AMERIKA

DR. CHRISTOPHER MOW

DR. NOEL CARILO

ESTADOS UNIDOS

JOY CANTOS

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

PHILIPPINE ORTHOPEDIC ASSOCIATION

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

ST. LUKES MEDICAL CENTER

STANDFORD UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with