Ayon kay Arnold Obina, tagapagsalita ng PMAP, aktibo umano ngayon ang Palasyo sa pagre-recruit ng tao para dumalo sa gagawing pagsasalita ni Pangulong Arroyo sa Quirino Grandstand.
Nanawagan si Obina sa hanay ng maralitang taga-lunsod na huwag magpadala sa mga pambobola ng administrasyon at huwag ipagbili ang kanilang ipinaglalaban.
"Hiling lamang namin sa inyo kunin ninyo ang inaalok na P200.00 dahil sayang din iyon pero huwag kayong sumama at sa halip ay makiisa sa gagawing kilos protesta ng PMAP at nang mga bumubuo ng EDSA 3," wika ni Obina.
Ngunit nilinaw ni Obina na wala sa kanilang agenda ang paghahasik ng kaguluhan sa darating na Labor Day. (Ulat ni Andi Garcia)