Nabatid na nagsampa ng mosyon sa korte si Atty. Orlando Ailes, isang pribadong abogado, na isama siya sa hanay ng defense panel ni Estrada, pero hindi umano pinagbigyan ng korte na dinggin ang kanyang mosyon.
Sa paglabas ni Ailes ay siya ring labas ni Atty. Oscar Co, miyembro ng Public Attorneys Office (PAO) at inambahan umano ang una ng sitahin naman ng huli ang umanoy sobrang kakulitan nito.
Mabuti na lamang at bago pa tuluyang magbanatan sina Ailes at Co ay naagapan na ang mga ito ng mga tauhan ng Sheriffs Office ng Sandiganbayan. (Ulat ni Joy Cantos)