^

Bansa

2 abogado muntik magsuntukan

-
Nagkapikunan at kamuntik nang magsuntukan ang dalawang abogado matapos na magkainitan sa labas ng court room ng Sandiganbayan Special Division kaugnay ng pagpapatuloy ng pagdinig kahapon sa mga kasong kriminal laban kay dating Pangulong Estrada.

Nabatid na nagsampa ng mosyon sa korte si Atty. Orlando Ailes, isang pribadong abogado, na isama siya sa hanay ng defense panel ni Estrada, pero hindi umano pinagbigyan ng korte na dinggin ang kanyang mosyon.

Sa paglabas ni Ailes ay siya ring labas ni Atty. Oscar Co, miyembro ng Public Attorney’s Office (PAO) at inambahan umano ang una ng sitahin naman ng huli ang umano’y sobrang kakulitan nito.

Mabuti na lamang at bago pa tuluyang magbanatan sina Ailes at Co ay naagapan na ang mga ito ng mga tauhan ng Sheriff’s Office ng Sandiganbayan. (Ulat ni Joy Cantos)

JOY CANTOS

NABATID

NAGKAPIKUNAN

ORLANDO AILES

OSCAR CO

PANGULONG ESTRADA

PUBLIC ATTORNEY

SANDIGANBAYAN

SANDIGANBAYAN SPECIAL DIVISION

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with