Abalos o Sarino papalit kay Garcia sa GSIS

Sina Metro Manila Development Authority(MMDA) Chairman Benjamin Abalos at dating Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Cesar Sarino, ang dalawa sa limang pinagpipilian umano para pumalit kay Winston Garcia, pangulo ng Government Service Insurance System(GSIS). Ito ang sinabi ng isang reliable source, kahapon.

Ihahayag anumang oras ng Malacañang kung sino umano ang papalit kay Garcia. Hindi binanggit ng source ang tatlo pang taong pinagpipilian ng Palasyo para kay Garcia. Si Sarino, ay naging DILG Secretary noong panahon ni dating Pangulo Cory Aquino at naging pangulo ng GSIS noong panahon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

Samantala, si Abalos ay kasalukuyang chairman ng MMDA. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

Show comments