Erap 1 taon ng nakakulong
April 22, 2002 | 12:00am
Sa linggong ito isang taon ng nakapiit ang actor-turned president but deposed na si Joseph Estrada, gayunman hindi nawawala ang kaniyang determinasyon na muling mabalik sa puwesto bilang Pangulo ng Pilipinas.
Aminin man o hindi, talagang hindi maaaring ibaon ang ika-65 na kaarawan ni Estrada dahil sa dami ng supporters nito hanggang sa ngayon.
Nakita ng Sambayanan ang pagtatalaga ng may 5,000 anti-riot police para pigilan ang anumang kaguluhan na gagawin ng kanyang mga taga-sunod.
Sa kaarawan ni Estrada, ay naroon ang katotohanang marami itong political followers dahil dinagsa ito ng presensya ng mga kaibigan niyang senador, kongresista, mayors, governors at artista na bumati habang ang iba sa kanila ay nakasilong sa mga puno malapit sa kanyang kinaroroonan upang iparamdam nila ang pakikiisa.
Ang pinaka-clue sa katotohanang buhay pa ang ambisyong makabalik si Estrada sa Malacañang ay ang mensahe nitong..."Tayo na nakakaangat sa buhay ay hindi dapat tumalikod sa mga mahihirap. Sila ay walang ibang masisilungan kundi Tayo".
Samantala, nagbanta naman ang militanteng grupong Kilusang Mayo Uno (KMU), kung hindi gagawa ng paraan ang pamahalaang Arroyo para pigilan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo ng mga kumpanya ng langis sa lalong madaling panahon ay mas lalo umanong magiging magulo ang nakatakdang paggunita sa Araw ng Paggawa o Labor Day sa Mayo 1.
Sinabi ni Sammy Malunes, hindi maiiwasan na magkaroon ng chain reaction sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa bawat pagtaas ng presyo ng gasolina.
Ayon dito, sa kalagayan ng suweldo ng manggagawa ay imposibleng maging normal pa ang pamumuhay nito sa pang-araw-araw dahil nakagapos sa P285.00 ang minimum wage nila.
Kung talagang sinsero si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa kaniyang pangako sa mamamayan ay ngayon niya dapat na patunayan at ibigay ang matagal ng hinihinging accross the board increase ng mga manggagawa upang ma-off set ang naganap na pagtaas sa presyo ng gasolina.
Kaugnay nito, nagpahayag ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), na masakit man para sa kanila na huwag itaas ang pamasahe ay wala silang magagawa kundi ang ipatupad ito sa lalong madaling panahon.
Tiniyak ni Menardo Roda, pangulo ng PISTON, na makakaasa ang mamamayan na hindi sila magiging hudas dahil idadaan pa nila ito sa konsultasyon at umaasa pa rin silang mauunang gumawa ng aksyon si Arroyo para hindi na kailangang magtaas pa sila ng pasahe. (Ulat ni Andi Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended