Sinabi ni Senator Renato Cayetano, chairman ng senate committee on education, tungkulin lamang ng DepEd na rebyuhin at tanggihan ang hindi makatwirang pagtaas ng tuition fee ng mga private schools.
Nabatid ng mambabatas na may ilang mga pribadong paaralan ang nagbabalak na magtaas ng tuition fee na aabot ng 25 percent sa darating na pagbubukas ng klase nitong June.
Ikinatwiran pa ng mambabatas, noong 1993 sa kasong Lina Jr. vs. Cariño sa Supreme Court ay inihayag ng korte na kahit ang mga pribadong paaralan ay puwedeng magtaas ng tuition fee at iba pang related fees kahit hindi magpaalam sa DepEd ay puwede naman itong rebyuhin ng nasabing ahensiya kung kinakailangan o dis-aprubahan on case to case basis.
Samantala, hiniling din ng senador sa DedEd na atasan nito ang mga pre-schools na kumuha ng permit to operate sa kanilang tanggapan matapos matuklasan na mayroon lamang 258 pre-schools ang maituturing na recognized nito na boluntaryong kumuha ng permit sa DedEd.
Aniya, ang requirement na ito sa mga pre-schools ay magbibigay din ng kontrol sa DepEd partikular sa pagpapataw ng mataas na tuition fees at exorbitant fees ng mga pre-schools. (Ulat ni Rudy Andal)