Palasyo hinamon ang Sanlakas sa isyu ng Indon bomber
April 22, 2002 | 12:00am
Hinamon ng Malacañang ang Sanlakas na magpalabas ng ebidensiya para patunayan ang kanilang akusasyon na minadali ng korte ang paggagawad ng hatol kay international terrorist Fathur Roman Al-Ghozi para magpakitang gilas sa Estados Unidos.
Ayon kay Acting Press Secretary Silvestre "Yongyong" Afable, labas na ang Malacañang sa isyung ito na pinalulutang ng Sanlakas dahil wala namang kinalaman ang Palasyo sa isyung hudikatura.
"The Palace has nothing to do with the judicial process in the case of Al-Ghozi." ani Afable.
Si Al-Ghozi ay hinatulan ng korte ng pagkabilanggo nang mula 10 hanggang 12 taon matapos niyang aminin ang illegal na pag-iingat ng mga pampasabog nang basahan siya ng demanda noong Huwebes. Inatasan din si Al-Ghozi ni Judge Marivic Daray ng General Santos City Regional Trial Court na magbayad ng multang P200,000.
Si Al-Ghozi, isang Indonesian ay hinihinalang may kaugnayan sa Al-Qaeda, isang grupong terorista na pinamumunuan ni Osama Bin Laden.
Inaresto siya ng mga awtoridad noong Enero 15 matapos matagpuan sa kanyang pag-iingat ang isang baril na kalibre .45 habang paalis siya patungong Bangkok.
Ang karagdagang demanding illegal na pag-iingat ng armas ay hindi pa nalilitis.
Sinabi ni Afable na kung ang Sanlakas ay may sapat na basehan para mag-akusang sobrang bilis ang paggagawad ng hatol, kailangang patunayan nila ang akusasyong ito.
Gayunman, nadismaya ang Malacañang sa panibagong babalang pinalabas ng US State Department sa mga Amerikano sa Pilipinas na maging maingat dahil delikado ang kanilang kaligtasan sa bansa dahilan sa pagkamatay ng isang Amerikanong hiker at sa insidente ng pambobomba na naganap noong nakaraang buwan.
Ayon kay Afable, bagaman ang travel ban ay sariling disposisyon ng US hindi naman lahat na lugar sa Pilipinas ay delikadong paglakbayan ng mga dayuhan. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest