DNA sa mga biktima ng M/V Carmela uumpisahan na
April 21, 2002 | 12:00am
Sisimulan na bukas ng PNP ang pagsasagawa ng DNA testing sa mga nakuhang buto ng mga biktima nang nasunog at lumubog na barkong M/V Maria Carmela noong nakaraang linggo sa Lucena City.
Sa isang panayam, sinabi ni PNP spokesman Sr. Supt. Leonardo Espina na umaabot sa limang bag ang nakuha nilang buto ng mga biktima mula sa naturang insidente, subalit sa darating na Lunes pa lamang nila masisimulan ang pagsasagawa ng DNA testing dahil sa kasalukuyan ay nasa estado pa lamang sila ng tissue extraction upang kanilang matukoy kung ilan katao ang nakuhang mga buto.
Ipinaliwanag ni Espina na maaaring nahaluan na ng mga hayop ang mga narekober na buto kaya kinakailangan pang paghiwa-hiwalayin ang mga ito bago tuluyang suriin.
Ito na lamang ang nalalabing tsansa ng mga pamilya ng mga biktima para makilala ang nawawala nilang kaanak.
Bagamat ang ibang bangkay ay nasa state of decomposition na ay hindi pa mairerekomenda ang pagsasagawa ng mass burial. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending