Kontrobersiyal na PPA pinasususpinde
April 18, 2002 | 12:00am
Maghahain ng panukala sa dalawang kapulungan ng Kongreso ang Joint Congressional Power Commission na naglalayong suspindihin pansamantala ang paniningil ng Power Purchase Adjustment (PPA) ng National Power Corporation sa taumbayan habang isinasagawa ang pag-aaral at imbestigasyon tungkol dito.
Sinabi ni Sen. Renato Cayetano, head ng Power Commission, napagkasunduan sa ginanap na miting ng komisyon na kailangang mamagitan ang mga mambabatas sa sangkatutak na reklamo ng taumbayan laban sa PPA.
"View ng karamihan sa komisyon is to file a bill to defer the collection of PPA for the next few years habang isinasagawa ang review. Napag-desisyunan ito dahil walang nakikitang administrative remedy sa maraming reklamo, kaya papasok ang legislative," wika ni Cayetano.
Idinagdag ng senador na tapos na ang pagsusuri ng komisyon sa legal side ng kontrata ng Napocor sa 43 Independent Power Procedures at sa mga susunod na miting ay tatalakayin naman nila ang technical, operational at financial aspects ng kontrata. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest