Gloria sa b-day ni Erap: 'Peace be with you'
April 18, 2002 | 12:00am
"Peace of mind."
Ito ang birthday wish ni Pangulong Arroyo para kay dating Pangulong Estrada na nakatakdang magdiwang ng ika-65 taong kaarawan bukas.
Pero sa kabila nito, nagbabala ang Pangulo sa mga taga-suporta ni Estrada laban sa paggamit ng gulo at pandarahas sa gagawin nilang protesta sa kanilang idolo sa Biyernes at gayundin sa selebrasyon ng EDSA 3 sa Mayo 1.
Ang paggunita ay ginawa ng Pangulo sa isang panayam sa Radyo Bombo kahapon sa harap ng mga ulat na maglulunsad ng rally at demonstrasyon ang mga taga-suporta ni Estrada mula Abril 19 hanggang Mayo 1.
Ayon sa Pangulo, limang araw na nagprotesta ang mga kapanalig ni Estrada noong nakaraang taon na pinabayaan niya sa pag-aakalang ito ay magiging mapayapa.
"Habang mapayapa ay pinababayaan ko sila pero oras na gumamit sila ng dahas ay talagang binalikan din sila ng taga-enforce ng batas. Kaya nananawagan ako na kung gustong magbigay ng protesta dapat ay mapayapa," wika ng Pangulo. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
14 hours ago
Recommended