Dahil dito, pinanukala ng Drug Check Philippines Inc., largest drug testing company sa bansa, na upang maibsan ang paggamit ng droga ng bawat indibidwal, kailangang magpatupad ng isang sistematikong drug detection program ang bawat industriya sa bansa.
Inihalimbawa dito ng naturang kumpanya ang pagkakaloob ng maayos na serbisyo ng mga driver sa kanilang pasahero at pagliligtas sa buhay ng bawat pamilya kapag ligtas mula sa droga ang bawat indibidwal.
Kaugnay nito, iniulat naman ng US Postal Service na umaabot sa P150 milyon ang natipid ng pamahalaang America dahil sa matinding screening na ginawa laban sa mga empleyado na gumagamit ng droga. May 70 porsiyento ng lahat ng mga drug users sa Amerika ay empleyado.
At dahil hindi nagiging maayos ang pagtatrabaho ng mga empleyadong gumon sa droga, sa halip na pasuwelduhin buwan-buwan ang mga ito, tinatanggal na lamang ang mga ito at saka nirerekomendang irehabilitate. (Ulat ni Andi Garcia)