^

Bansa

Arrest warrant vs taga-pugot ng Sayyaf ipinalabas

-
Nagpalabas na ng arrest warrant ang hukuman hinggil sa pag-aresto sa itinuturing na "berdugo" ng mga Abu Sayyaf na si Alfredo "Jun" Penaflor.

Ayon kay Justice Secretary Hernando Perez, nagpalabas na si Basilan Regional Trial Court (RTC) Judge Danilo Bucoy ng warrant of arrest laban kay Penaflor na sinampahan ng Department of Justice (DOJ) ng kasong murder dahil sa umano’y pamumugot ng ulo sa mga dinukot ng Abu Sayyaf kung saan ay kinukunan pa ito ng video footage.

Una nang nagpalabas ang Palasyo ng Malacañang ng naturang video upang ipakita ang pananalbahe ng Sayyaf sa kanilang mga dinudukot na biktima. Lumantad naman si Penaflor upang ipahayag na hindi siya isang Abu Sayyaf bagkus, isa rin siyang biktima na dinukot ng bandidong grupo.

Nilinaw naman ni Perez na hinihintay na nila ang return of warrant upang agad ng pasimulan ang pagbasa ng sakdal laban sa naturang akusado.

Ayon pa kay Perez, nasa kamay na ni Penaflor kung paano niya kukumbinsihin ang hukuman na hindi siya isang kriminal at pinilit lamang dulot ng pananakot ng ASG. Kailangan ding patotohanan ni Penaflor na hindi siya isang Abu Sayyaf tulad ng naglabasang mga ulat. Si Peñaflor ay kasalukuyang nasa custody ng PNP-CIDG.. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

ABU SAYYAF

AYON

BASILAN REGIONAL TRIAL COURT

DEPARTMENT OF JUSTICE

GRACE AMARGO

JUDGE DANILO BUCOY

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

PENAFLOR

PEREZ

SI PE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with