Oil price increase pinatupad ng Caltex at Shell

Opisyal na ipinatupad kahapon ng tanghali ng Caltex Philippines at ng Shell ang pagtataas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo na umabot sa 50.3 hanggang 54.5 sentimo kada litro.

Ang hakbang na ito ng dalawang higanteng kumpanya ng petrolyo ay bilang pagsunod sa nauna ng ginawa ng Petron Philippines nang magtaas ito ng 50 sentimo kada lintro noong isang linggo. Inaasahan na muli pang magkakaroon ng panibagong round ng oil price increase ang mga nabanggit na kumpanyang tinawag na Big 3. (Ulat ni Andi Garcia)

Show comments