Barko natupok, 23 katao patay
April 12, 2002 | 12:00am
Umabot na sa 23 pasahero ang iniulat na nasawi, 70 ang sugatan, mahigit 220 ang nailigtas habang 22 pa ang nawawala makaraang matupok ng apoy ang isang barko habang naglalayag sa naganap na trahedya sa karagatan ng Chika Island, Pagbilao, Quezon kahapon ng umaga.
Batay sa inisyal na ulat ng Philippine Coast Guard, tatlo pa lamang sa mga namatay na pasahero ang nakilala at ito ay sina Babylyn Salubre, 35, pitong-buwang buntis at residente ng Buena Suerte, Masbate; Nica Ann Verdida, 5, ng Masbate at Sheila Zaragosa 7, ng Caloocan City.
Sa report na nakarating kahapon sa tanggapan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC), dakong alas-7:30 ng umaga ng maganap ang insidente habang patungong lungsod ng Lucena ang M/V Maria Carmela na pag-aari ng Montenegro Shipping Lines makaraan itong umalis sa pantalan ng Aruroy Masbate dakong alas-7 ng gabi nitong Miyerkules.
Ang nasabing barko ay may sakay na 243 pasahero, 47 crew at 12 cargo units batay sa manifesto ng kumpanya subalit batay sa pahayag ng mga nakaligtas ay tinatayang aabot sa 300 katao ang lulan ng barko ng maganap ang sakuna.
Binanggit ng mga nakaligtas sa trahedya na nagsimula ang apoy sa engine room ng barko na kalapit lamang ng pinag-iimbakan ng mga sako ng kopra at 35 mga baka.
Mabilis na kumalat ang apoy sa kabuuan ng barko at dahil sa biglaang pangyayari ay nagkagulo at nagkanya-kanya na ang mga pasahero sa pagkuha ng life jacket habang ang iba ay nagbalyahan at karamihan sa mga ito ay nagtalunan sa dagat sa takot na matupok ng apoy.
Tumagal nang hanggang 9:30 ang sunog na naging sanhi ng tuluyang paglubog ng barko.
Karamihan sa mga namatay ay nalunod habang ang iba ay sa tinamong 3rd degree burns sa kanilang katawan.
Mabilis namang nagresponde ang magkakasanib na elemento ng Phil. Coast Guard, Navy, PNP, Maritime, Solcom PAF, QPNP, LCPNP at Kabalikat Civicom at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy ang search and rescue operation team sa paghahanap ng posibleng survivors.
Sinasabing dahilan ng sunog ang mga koprang sakay ng naturang barko subalit habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pa ang imbestigasyong isinasagawa ng mga awtoridad at inaalam din ang pangalan ng kapitan ng barko at kinaroroonan nito upang malaman ang tunay na pangyayari.
Magugunita na noong 1997 ay nagkaroon din ng ganitong trahedya sa nasabing karagatan kung saan ang M/V Viva Antipolo ay nasunog at umabot sa mahigit 30 katao ang namatay. (Ulat nina Doris Franche,Ed Amoroso,Joy Cantos at Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended