Kuratong case bubuhayin ng SC
April 11, 2002 | 12:00am
Handa umano ang Korte Suprema na muling buhayin ang Kuratong Baleleng rubout case na kinasasangkutan ni dating PNP chief at ngayoy Senador Panfilo Lacson.
Nabatid mula sa isang mapagkakatiwalaang impormante sa Supreme Court na nagkasundo umano ang mayorya ng mga mahistrado na muling buksan ang kasong kriminal laban kina Lacson, Directors Jewel Canson, Romeo Acop, C/Supt. Francisco Zubia, Sr/Supts. Michael Ray Aquino at Cesar Mancao at 29 iba pang opisyal at tauhan ng PNP.
Inaasahan ngayong araw na ito ay pormal na ipalalabas ng SC ang bilang ng boto ng mga mahistrado.
Ang desisyon ng SC ang magiging hudyat para mabaligtad ang naunang desisyon ng Court of Appeals (CA). Matatandaan na sinang-ayunan ng CA ang naging hatol ni dating QC RTC Judge Wenceslao Agnir Jr. na nagbabasura sa kasong 11 counts ng multiple murder laban sa mga akusado. (Ulat ni Grace Amargo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest