^

Bansa

Erap umaarte lang?

-
Umiral ang tunay na pagiging aktor ni dating Pangulong Estrada dahil umaarte lamang umano ito para payagan ng Sandiganbayan Special Division ang kahilingan nitong makapagpaopera ng kanyang osteoarthritis o sakit sa tuhod sa Estados Unidos.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig kahapon ng Sandiganbayan, sinabi ni Prosecutor Dennis Villa-Ignacio na mukhang sinasadya umano ang pagkakasakit ni Estrada na isinabay pa sa buwan ng Pebrero kung saan sinimulan ng Special Division ang pagdinig sa petisyon na maoperahan sa Amerika.

Ito’y matapos madiskubre ni Villa-Ignacio sa isinagawa nitong cross-examination kay Dr. Liberato Casison, chief ng Veterans Memorial Medical Center na nitong Pebrero 27, 2002 lamang nairehistro sa clinical record ni Estrada ang pagdaing sa kanyang karamdaman sa tuhod.

Sa isinagawa namang direct cross examination ni Atty. Percida Rueda-Acosta, head ng Public Attorney’s Office (PAO), sinabi rin ni Casison, attending physician ni Estrada sa VMMC, na mahirap indahin ang lumulubha nang sakit sa tuhod ng dating pangulo kaya kinakailangan ang agarang operasyon.

Subalit nagtataka si Villa-Ignacio kung bakit hindi nakapaloob sa mga naunang medical records ni Estrada noong nakaraang taon ang pagdaing nito ng kirot ng kanyang karamdaman.

Sa panig naman ni Casison, iginiit nito na maaring hindi nagrereklamo si Estrada tuwing oras ng pagkuha sa pagsusuri bunga na rin ng pag-inom ng pain reliever.

Magugunita na naunang nagduda na gumagaling na ang sakit ni Estrada si Prosecutor Jose Calida matapos mawala ang ikalawang resulta ng X-ray na nakunan noong Enero 22, 2002 hinggil sa ilang sakit nito na nakita naman sa X-ray noong Mayo 18, 2001. (Ulat ni Joy Cantos)

CASISON

DR. LIBERATO CASISON

ESTADOS UNIDOS

ESTRADA

JOY CANTOS

PANGULONG ESTRADA

PEBRERO

PERCIDA RUEDA-ACOSTA

PROSECUTOR DENNIS VILLA-IGNACIO

PROSECUTOR JOSE CALIDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with