^

Bansa

Humawak ng mga kaso vs imelda sinuspinde ng Ombudsman

-
Dahil sa umano’y kapabayaan ay sinuspinde ng anim na buwan ni Ombudsman Aniano Desierto ang piskal na humawak sa mga kasong kriminal laban kay dating Unang Ginang Imelda Marcos na naging dahilan para mabasura ang mga kaso laban dito.

Sinabi ni Desierto na ipinag-utos niya ang suspensiyon laban kay Evelyn Lucero dahil sa umano’y pagwawalang-bahala nito sa mga kasong katiwalian laban kay Mrs. Marcos.

Binigyang-diin ni Desierto na nagmukha silang katawa-tawa sa hindi paghahain ng oposiyon ni Lucero sa mosyon ng panig ng mga Marcos na humihiling na ibasura na lamang ang kaso laban sa kanila.

Iginiit ni Marcos na walang sapat na ebidensiya na magdidiin sa kanya hinggil sa akusasyon ng iligal na paggamit ng pondo ng Ministry of Human Settlements na noon ay pinamumunuan ni Mrs. Marcos.

Nabatid mula sa motion for dismissal ng panig ng depensa na matagal ng natapos ang usapin kasabay ng paghahain ng ebidensiya.

Nilinaw naman ni Desierto na si Lucero ay isinailalim sa preventive suspension habang dinidinig ang imbestigasyon laban dito upang hindi niya magamit ang kanyang posisyon para impluwensiyahan ang imbestigador sa kanyang kaso.

Nadismis ang mahigit 90 sa 117 mga kaso na nakahain sa Ombudsman laban sa mga Marcos. Nakaiskor rin ang pamilya Marcos ng i-unfreeze ang Swiss account nila sa Switzerland. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

DESIERTO

EVELYN LUCERO

GRACE AMARGO

LABAN

LUCERO

MARCOS

MINISTRY OF HUMAN SETTLEMENTS

MRS. MARCOS

OMBUDSMAN ANIANO DESIERTO

UNANG GINANG IMELDA MARCOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with