^

Bansa

6 Pinoys sa Saudi pinugutan - Migrante

-
Bineberipika ng Migrante International ang natanggap nilang ulat na anim na Pilipino ang pinugutan ng ulo sa Saudi Arabia noong Biyernes dahil sa kasong murder.

Sa pahayag ni Poe Gratela, secretary general ng Migrante, isang militanteng grupo ng mga overseas Filipino workers, bagamat itinatago umano ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang listahan ng mga OFWs na napipintong mapugutan ng ulo ay isa-isa namang lumalapit sa tanggapan ng Migrante ang mga pamilya ng mga biktima bukod pa anya sa impormasyong ipinarating sa kanila ng kanilang mga kasamahan sa Saudi.

Pinabulaanan naman ni DFA assistant secretary Victoriano Lecaros ang report na may pinugutang mga Pinoy sa Saudi.

Bunga nito, binatikos ni Gratela ang DFA sa aniya’y "pagtatakip" nito sa pangyayari para lang protektahan ang diplomatikong relasyon ng Pilipinas sa Saudi Arabia.

Ayon kay Gratela, noong nakaraang tatlong taon pa umano nila hinihingi sa DFA ang listahan ng mga OFWs na posibleng mapugutan ng mga ulo subalit tumanggi na ibigay ito sa kanila.

"Three years ago, hiningi namin ang listahan pero tumanggi silang (DFA) ibigay ito. As long as we know at base sa detalye na aming nakuha, noong 1993 ay may 27 na sa listahan at ngayon ay umabot na nang 44 ang nahaharap sa pugot," dagdag ni Gratela.

Ayon kay Gratela, ang mga Pilipinong ito’y dinakip nang hindi nila alam kung ano ang kanilang kaso dahil walang "interpreter" at walang abogado.

Kabilang umano sa mga pamilya ng biktima na kasalukuyang humihingi sa kanila ng tulong ay ang mga pamilya nina Sarah Dimatira, isang Pinay DH sa Saudi na 1992 pa nakakulong sa kasong murder at Primo Gasmen, isang construction worker na 1997 pa nakakulong sa parehong kaso. (Ulat ni Rose Tamayo)

AYON

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

GRATELA

MIGRANTE INTERNATIONAL

POE GRATELA

PRIMO GASMEN

ROSE TAMAYO

SARAH DIMATIRA

SAUDI ARABIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with