News blackout sa Taguig CID binatikos
April 8, 2002 | 12:00am
Binatikos ng mga mamamahayag ang pamunuan ng Taguig Criminal Investigation Division (CID) dahil sa news blackout na pinaiiral ng mga pulis dito.
Sinabi ni PO2 Erron Balauat, isa sa mga imbestigador ng nasabing kapulisan, pinagbawalan at nagpalabas umano ng mahigpit na kautusan sa kanila si SPDO Chief Supt. Jose Guiterrez na hindi sila basta-basta magbibigay ng impormasyon sa mga mamamahayag na kumokober sa nasabing lugar.
Ayon sa SPDO reporters, ayaw umano silang bigyan ng istorya lalot kapag sa telepono kausap si Balauat dahil ang gusto nito ay magpunta sa kanyang tanggapan ang mga nabanggit na humihingi ng istorya.
Kinondena ng mga reporters ang ganitong asal ng mga kapulisan ng nasabing lugar dahil sa hirap at layo bukod sa grabeng trapik papunta sa CID Police Station sa Taguig ay mauubos anila ang kanilang oras sa pagkokober lamang sa nabanggit na lugar at kung may makuha man na istorya dito ay malamang sarado na ang dyaryo sa kanilang pagbalik sa kani-kanilang mga opisina.
Tinuligsa din ng mga reporters, na kapag nagtungo sila sa CID-Taguig Police Station ay kadalasan umanong walang pulis na maabutan at ang nagsisilbing umanong operator sa telepono ay isang sibilyan.
Gayunman, hiniling ng mga reporters kay PNP Chief Leandro Mendoza at NCRPO Edgar Aglipay na aksyunan ang nasabing reklamo. (Ulat ni Lordeth Bonilla).

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended