Oil embargo wa epek sa RP
April 6, 2002 | 12:00am
Malaki ang tiwala ni Pangulong Arroyo na hindi maaapektuhan ang Pilipinas sa sandaling magpatupad ng "oil embargo" ang mga bansang Arabo kasunod ng umiigting na tensiyon sa pagitan ng Israel at Palestine.
Sa isang panayam, sinabi ng Pangulo na bago pa maganap ang September 11 bombing sa US ay inatasan na niya si Energy Secretary Vincent Perez na maghanda ng seguridad sa enerhiya kaya hindi siya nababahalang tatamaan ang bansa ng oil embargo sakalit magpatupad nito ang mga bansang prodyuser ng langis sa Gitnang Silangan.
Unang-una, inihayag ng Pangulo na ang Pilipinas ay isa sa mga kaibigang bansa ng Organization of Islamic Conference (OIC).
"Kaya ako ay umaasa na itong ating pakikipagkaibigan ngayon ay magbibigay ng bunga para tuluy-tuloy ang supply ng langis sa bansa," wika ng Pangulo.
Ikalawa, sinabi ng Pangulo na malaki ang pagpapasalamat niya sa Malampaya dahil ang mahigit sa kalahati nang pangangailangang langis ay nagmumula na sa tuklas na langis sa Palawan.
"This local crude oil supply, discovered by Shell Philippine Exploration BV (SPEX) of UK was the biggest oil reservoir on the country todate with the projected yield of 8,000 barrels a day based on the oil tests at the Malampaya natural gas field," wika ng Pangulo.
Sinabi rin ng Pangulo na ang pagiging malapit ng Pilipinas sa Amerika ay hindi niya nakikitang magbibigay ng epekto sa bansa dahil kaibigan din natin ang Malaysia, Indonesia at mga bansang miyembro ng OIC. (Ulat ni Lilia Tolentino)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended