.50 sentimos taas ng pasahe ihihirit ng PISTON
April 5, 2002 | 12:00am
Magsasampa ng petisyon ang Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng dagdag na 50 sentimos sa pasahe sa Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).
Sa isang panayam, sinabi ni PISTON President Medardo Roda, hihilingin nila sa LTFRB ang taas sa pasahe na 50 sentimo mula sa kasalukuyang P4.00 minimum fare kung ipatutupad ang April oil price increase na aabutin ng 1.26 bawat litro.
Binigyang-diin ni Roda na katatapos lamang na makapagtaas ng presyo ang mga oil companies ng 30 centavos per liter noong Marso 30 ng taong ito at kapag itinuloy ang April oil price increase, hihingi na sila ng dagdag na pasahe.
Hindi na anila makakayanan ng mga driver na makuha ang boundary at panggastos ng kani-kanilang pamilya kung tataas din ang presyo ng gasolina ngayong Abril dahil katataas lamang nito noong nagdaang buwan ng Marso.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Zeny Maranan, Pangulo ng Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), hindi muna sila hihirit ng anumang taas sa pasahe dahil silang maliliit na manggagawa rin ang maaapektuhan nito sa bandang huli.
Pagkakasyahin muna nila ayon kay Maranan ang anumang kita mula sa pasada sa jeep ng mga kasaping drivers nationwide na may 150,000 miyembro. (Ulat ni Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest